Ramen Life (aka how all elements of my current life don’t make sense when thrown into a single bowl but somehow it works for my taste buds)

These days –

I often get lost in my thoughts.

They come in various forms of mazes and patterns and padlocks and doors and labyrinths and forests covered with the thickest of foliage from tropical trees burnt by the unceasing, uneasing oriental breeze to which

I fall –

scouring into pit after pit of questions with answers I can only grasp in the pitch black corners of this already jagged head that houses dirty thoughts of rendezvousing with never-before- seen scenes of sins and obscenities borne out of eventful trysts with life’s ugly bitches where

I spin –

into an infinite pool of realities after being smashed to a gazillion fragmented pieces of charred flesh and pig blood and fragile as cheap ass- Baguio -peanut -brittle spirit: surviving collision head on- unabashedly, unapologetically imposing whatever brute force it can muster into the faint sense of sensibility that is impressed upon my stubborn coconut so I remember that I –

can’t leave

I can’t leave

I. Can’t. Live. 

Yet.


Advertisements

To the Woman I Chose

Out story is an amalgamation of the good, the ugly, the bad, the messy, the glorious, the hopeful, and the magical. 

It is the coming together of hello’s and goodbye’s, and keeping the faith that we will someday sort things out and we will eventually go full circle. 

It is the occasional violation of reason and the conscious oblivion to pride and self-image. 

It is the periodic putting up with mistakes and imperfections; and trusting that in the end we would still choose to accept each other despite exposing flaw after flaw. 

Being with you was difficult. It still is a challenge. The path we are on is not the easiest of trails to take but having you simply makes all the trouble, all the hurt, and all the tears worth it. There is no other person in this world I will choose to take this perilous journey with. 

You are and always will be my hiding place. Thank you for loving me more than I could ever love myself and for being my constant reminder that life, exactly like you, is beautiful. 

Pinakamahirap Sumulat Nang Para sa Iyo

Pinakamahirap ang sumulat nang para sa iyo.

May biglaang tagtuyot ng mga likido mula sa mga kaliitliitang selyula ng katiting na utak na siyang mumunting sisidlan ng mga titik ko’t himig

May pagdating ng bultu-bultong sagabal na pumipigil sa pag-agos ng harayang malaya sanang maglalarawan at magpipinta ng mga hugis at kulay ng lahat ng ibig ihandog at ipabatid

May pagdalang ng patak ng ulan na bilang lamang sa daliri ang paghalik sa mga tigang at nagbibitak na mga labi na nasa sanang maghatid ng panunuyo’t pagtatangi

May pagnakaw ng mga sulyap na pilit sanang itinatapon sa mukha mong ang kariktan ay palihim lang na namemorya sa mga napakadalang na pagkakataong ika’y masisilip

May pang-uusig nang mga katanungang hindi ko mapagtatagumpayan kailanman kahit makaulit na tangkain kong ipaliwanag abot sa makakaya at maipipilit

May kalakip na hapdi sa pagsintang ipinahihiwatig

May tinik na nakabalot sa anyo mong nakasusugat ‘kapag hinahagkan kang pilit

May sumusungaw na butil ng luha sa likod ng mga mata mong nagpapasalamat sa aking pagbalik

Pinakamahirap ang sumulat nang para sa iyo

Sapagkat ako rin ang may akda ng sakit na pilit na binabawi ko

Millenial Feels Trip 

Nagmumukmok

Nagpapaka-deep

Nagre-reflect habang nagpipigil ng feels

Na rumaragasang pilit

Parang shots na gumuguhit

sa lalamunang sawa na sa pagbigkas ng anu-anong sh*t

Nagbe-blame game

Pero ako pa rin si g*go all the same

Legit na ‘di pwedeng lakompake

Kasi buhay kong buhul-buhol ang dapat ayusin, p’re.

Here’s to wishing tho 

That tomo’s  gon’ be f*ckin’ better than this sh*thole am currently in

Kasi pagod na ako

Tired af; hassle,  bruh.

Minsan

image

Minsan sadyang kinakapos
ang mga minuto’t segundo
pati mga araw at buwan
tuwing pupukol ng tingin sa may kalendaryo
o tuwing titingala sa puting langit para sumaklolo

Minsan pinuputol at sadyang pinaiikli
ang mga nakaw na sulyap
tuwing magtatama ang paningin
o tuwing dadaan kung sa’n ka nakapirmi
sa takot manumbalik at umasa pang muli

Minsan parang nakakapagtaka
minsan nakaiinsulto
at’di hinahayaang magtagpo
sa gitna ng kalye ng mga isipang magulo
kung saan naman dati nagkita’t nagkabunggo

Minsan nakakaawa na
ang mga damdamin nating lito
ni ‘di na makatindig
dahil lunod sa tanong
sa kung saan at pa’no

Minsan nakaririndi na
ang mga tinig sa isip ko
kasabay ng pagtakas ng lakas ng tuhod
o panghihina ng kalamnan
tuwing tatawid sa alaala  ang mga inensayong linya

ng “tama na siguro tayo”
ng “balikan mo na ang kalayaan mo”
ng “salamat sa lahat, sana maging masaya tayo.”
ng “wag kang mag-alala magiging ayos ako.”

Minsan pinakamahirap
ang magsimula ng pagtatapos.